Inanunsyo ng ABS-CBN nitong Miyerkules na pinayuhan na nilang mag-self-quarantine ang ilang cast at staff ng teleseryeng “Love Thy Woman”, matapos magpositibo sa COVID-19 si Christopher de Leon.
(BASAHIN: Christopher de Leon, nagpositibo sa COVID-19)
Sinabi rin ng media giant na patuloy nilang babantayan at susuportahan ang mga apektadong tauhan sa kabila ng suspensyon ng taping ng lahat ng teleserye.
“We advised those who might have interacted with him (De Leon) during the tapings of Love Thy Woman in the last two weeks to undergo self-quarantine,” saad sa pahayag na inilabas ng Kapamilya network sa Instagram.
“While we have stopped the tapings of all our teleseryes, we will continue to monitor their situation and provide the necessary assistance and support to those who affected,” dagdag nito.
Nito lamang Martes nang kumpirmahin ni De Leon na nahawaan siya ng coronavirus kahit na walang travel history sa labas ng bansa, o kakilalang COVID-19 positive.
Kasalukuyan ding naka-self-quarantine ang aktor, buo niyang pamilya at kanilang mga kasambahay.