Itinanghal ang Pilipinas bilang ikatlong best country sa buong mundo para mamumuhuan o magnegosyo para sa taong 2019.
Ito ay base sa Ceoworld Magazine.
Ang rankings ay ibinase sa survey at statistical data sa 11 iba’t-ibang factors kabilang ang corruption; freedom (personal, trade, and monetary); workforce; investor protection; infrastructure; taxes; quality of life; red tape at technological readiness.
Bawat factor ay na-classify sa ilalim ng general categories: economic stability; government policies; skilled labour forces; institutional framework; education and research; market potential at trade openness.
Ang pasok sa top 10:
- Malaysia
- Poland
- Philippines
- Indonesia
- Australia
- Singapore
- India
- Czech Republic
- Spain
- Thailand
Kada taon, ang Ceoworld Magazine ay nira-ranggo ang mga bansa base sa iba’t-ibang kategorya mula sa pinakamayamang tao sa mundo hanggang sa best universities, top companies at top executives.