Itinanghal ang Pilipinas bilang 50th Best Country sa buong mundo.
Ito ay base sa global survey kung saan higit 21,000 tao ang tinanong kung ano ang humuhubog sa isang bansa, mula sa kalidad na buhay hanggang sa potensyal sa ekonomiya.
Ibinase ang survey mula sa global perceptions na siyang naglalarawan sa bansa, tulad ng trade, travel at investment, maging human rights, gender equality, religious freedom at environment.
Inilista ng U.S. State department ang nasa 196 na bansa, subalit 80 bansa lamang ang pinagpilian sa survey na isinagawa ng U.S. News & world report sa pakikipagtulungan ng Wharton School of the University of Pennsylvania at ng isang global marketing communications company.
Ang Switzerland ang nananatiling nasa unang pwesto sa ikatlong sunod na taon na sinundan sa ikalawang pwesto ng Japan.
Sumunod na rito ang mga bansang, Canada, Germany at United Kingdom.
Nasa ika-walong pwesto ang Estados Unidos, 15th ang Singapore, 16th ang China, 26th ang Thailand, 38th ang Malaysia, 39th ang Vietnam at 43rd ang Indonesia.
Ang Pilipinas ay may Gross Domestic Product (GDP) na nasa $313.6 billion at may populasyon na halos 105 million.