Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na all systems go na ang pamahalaan para sa gaganaping 31st ASEAN Summit and related Meetings sa susunod na linggo kung saan darating sa bansa ang humigit kumulang 20 state leaders.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mula sa seguridad hangang sa lahat ng kagamitan na kakailanganin sa summit ay plantsado na.
Pati aniya ang press working area para sa local at international media at nakaayos na at kabilang narin aniya dito ang Malacanang Press Corps.
Kapansin pansin naman na puspusan din ang repainting dito sa Malacañang kung saan lahat ng pader, gates at pati ang sidewalk ay muling kinulayan para maging presentable sa mga magiging panauhin ng Pangulo.
Una narin namang nanawagan ang Malacañang sa publiko na ipakita natin sa mga dadalo sa ASEAN Summit ang pagiging disiplinado ng mga Pilipino dahil isa itong makasaysayang okasyon sa Pilipinas dahil dito sa bansa ginanap ang 50th anniversary ng ASEAN at ang kaunaunahang pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump.
Pilipinas, all systems go na para sa ASEAN Summit
Facebook Comments