Pilipinas at Amerika, muling nanawagan sa China na igalang ang 2016 Arbitral ruling

Umaapela ang Pilipinas at Amerika sa China na igalang ang 2016 ruling ng UN Arbitral Tribunal.

Sa joint statement matapos ang PH-US Fourth 2+2 Ministerial Dialogue, binigyan-diin nina Foreign Affairs Enrique Manalo, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr., Secretary of State Antony Blinken, at Secretary of Defense Lloyd Austin III na kailangan sumunod ng China sa nakasaad sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kapwa inihayag ng mga opisyal ang kanilang pagkabahala sa mapanganib ng aksyon ng China sa South China Sea na nagresulta sa pagkasugat ng ilang sundalo, pagkasira ng gamit ng militar pati na rin militarization ng mga reclaimed features at unlawful maritime claims.


Wi-nelcome rin ng mga ito ang diplomatic efforts upang suportahan ang regular rotation and resupply missions at muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait.

Facebook Comments