Inaprubahan ng Pilipinas at iba pang ASEAN ministers ang pagpapalawig ng pagpapatupad ng Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone’s Treaty Plan of Action.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, nagkasundo ang ASEAN nations na palawigin ang nasabing Treaty Plan of Action hanggang taong 2022.
Una nang inihayag ni Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano na siyang chairman ng SEANWFZ commission ang pagsuporta ng Pilipinas para sa “full implementation” ng kasunduan.
Layon ng “extension” na pangalagaan ang ASEAN countries laban sa banta ng nuclear weapons. Ang plan of action ng SEANWFZ treaty ay nakatakda sanang mag expire ngayon taon mula nang ipatupad ito nuong 2013.
Facebook Comments