Maraming usapin ang nabuksan sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Malacañang, kahapon (September 8).
Ayon sa pangulo, napag-usapan nila ang linya ng depensa, security cooperation, economic at trade relations, gayunrin ang maritime affairs, upang ma-sustain ang development goals ng kapwa bansa.
Sinabi ng pangulo, nakatutuwang malaman na ang vision ng Pilipinas at Australia ay halos magkatulad.
Habang ang mithiin ng dalawang bansa tungo sa regional stability at prosperity ay naka-angkla sa isa’t isa.
Facebook Comments