Pilipinas at Australia, magsasagawa ng joint military exercises

Manila, Philippines – Magsasagawa ng joint military training ang Pilipinas at Australia.

Ayon kay Australian Defense Minister Marise Payne – layon nito na masugpo ang paglaganap ng terorismo.

Magpapadala ng australian troops sa Pilipinas na malaking tulong sa mga pwersang nakikipaglaban sa Marawi.


Sinabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana – ginagamit na rin ngayon bilang surveillance planes sa Marawi na ibinahagi ng Australia.

Ang pagpupulong ng mga matataas na opisyal ay masusundan para naman sa Australia-Philippines Military Engagement na gaganapin sa susunod na buwan.

Facebook Comments