Pilipinas at Brunei Darussalam, nagkasundong palakasin ang partnership sa maritime at tourism sectors ng dalawang bansa

Nagkasundo ang Pilipinas at Brunei Darussalam na palakasin ang partnership sa maritime at tourism sectors ng dalawang bansa.

Kasunod ito ng pagbisita sa Brunei Darussalam ng mga opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Nakipagpulong ang mga opisyal ng MARINA sa Bruneian officials, kabilang na ang Minister of Transportation and Communications, para sa pag-explore ng collaboration ng dalawang bansa sa maritime at tourism sectors.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa nasabing bansa ang commitment sa pagpapalakas ng maritime cooperation, manpower development, at industry partnerships sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam.

Ito ay bilang bahagi na rin ng pagtutulungan ng dalawang bansa para sa pagpapalakas ng ekonomiya at regional connectivity.

Facebook Comments