
Nagkaroon ng bilateral meeting si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kay Cambodian Minister of Agriculture, Forestry and Fisheries Dith Tina upang palakasin ang kooperasyon sa agrikultura ng dalawang bansa sa Southeast Asian nations.
Ang pulong ay ginawa sa state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Cambodia at tumutok para sa mas malalim na kolaborasyon sa kalakalan sa agrikultura, food security, at market access para sa farm products.
Ipinahayag ni Minister Dith ang pagiging positibo sa export ng kanilang agrikultura sa Pilipinas, partikular ang kanilang premium aromatic na bigas.
Sa panig naman ni Secretary Tiu Laurel, kinilala nito ang mga produkto ng Cambodia tulad ng bigas, isda, karne at mga gulay na makakatulong upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng Pilipinas.
Ani Laurel, naghahanda na ang Pilipinas para tanggapin ang dagdag pang produktong agrikultura ng Cambodia sa lokal na mga pamilihan.









