Lalo pang palalakasin ng Pilipinas at Cambodia ang kanilang paglaban sa human trafficking.
Ito’y kasunod ng kamakailang panawagan ni Philippine Ambassador to Cambodia Maria Amelita Aquino kay Cambodian Interior Minister, kung saan tinalakay niya ang mga pagsisikap sa pagpapatupad ng batas ng Manila at Phnom Penh.
Dito, ipinarating ni Aquino ang kahalagahan ng suporta ng gobyerno ng Pilipinas sa Cambodia para sa suporta at tulong nito sa pagtugon sa mga isyu ng human trafficking na kinasasangkutan ng mga Pilipino sa Cambodia.
Matatandaan ang Cambodia ay kabilang sa mga bansa kung saan ang mga Pilipino ay naiulat na biktima ng human trafficking.
Gaya na lamang ng sinabi ng DFA na ang mga Pilipino na nasa Cambodia maging sa iba pang bansa sa Southeast Asia ay piniling magtrabaho bilang mga online scammers.