Pilipinas at Cambodia, nagkasundong mas magtutulungan para matiyak ang food security at mapaangat ang commercial aviation

Inaasahan ng gobyerno ng Pilipinas ang mas magandang samahan sa pagitan ng bansang Cambodia para kapwa magkaroon ng food security, maayos na kalakalan, at komersyo gayundin ang people-to-people to exchanges.

Ito ay matapos na mapagkasunduan ito nina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na bilateral meeting na sidelines sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, Indonesia.

Ipinarating ni Pangulong Marcos kay Cambodian Prime Minister Manet sa bilateral meeting ang posibilidad na pag-import ng bigas sa Cambodia maging ang pagpapalakas pa ng commercial aviation sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.


Ayon sa pangulo, ang hakbang nilang ito ay simula pa lamang nang mas marami pang pagtutulungan sa Cambodia.

Sa kasalukuyan, ay patuloy na nagta-trabaho ang gobyerno para matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa bansa matapos maranasan ang sunod-sunod na bagyo na nakaapekto sa produksiyon ng mga pananim na palay.

Facebook Comments