Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at Cambodia na mas palakasin pa ang kanilang collaboration para mas mapabuti pa ang sektor ng agrikultura at digitalization.
Partikular na ang nagkasundo ang dalawang bansa na magtutulangan pagdating sa mechinazation and food processing, micro, small and medium enterprises, energy at low-cost housing.
Nagkasundo rin ang Pilipinas at Cambodia na magtutulungan para sa elderly medical care partikular ang pagha-hire ng mga Filipino nurse at digitalization sa pagsasagawa ng negosyo at maging rice importation.
Ang kasunduan ng dalawang bansa ay nangyari matapos ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa CEO roundtable business leader meeting sa Phonm Pehn, Cambodia.
Samantala, una nang inihayag ng pangulo ang pangangailangan na magtulungan ang gobyerno at ang mga private sectors para tuloy-tuloy nang makaahon sa epekto ng COVID-19 pandemic nang sa ganoon ay mas ma-improve ang investment climate.