Pilipinas at China, handang magkaisa laban sa iligal na POGO at iba pang krimen sa bansa

Nakipagpulong si Executive Secretary Lucas Bersamin kay Chinese Ambassador Huang Xilian para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at China laban sa transnational criminal activities.

Ayon sa PAOCC, handa ang Pilipinas at China na magkaisa at palakasin pa ang kooperasyon sa law enforcement.

Nagpasalamat din ang China sa mga hakbang ng Pilipinas laban sa illegal Philippine Offshore Gaming Operatoro (POGO) sa bansa at sa pagligtas sa ilang Chinese nationals.


Bukas anila ang komunikasyon ng Chinese Embassy sa Pilipinas sa buong proseso ng imbestigasyon sa POGO.

Dagdag pa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), malinaw na hindi kukunsintihin ng dalawang bansa ang mga malisyoso at iligal na aktibidad at mabuwag ang sindikato.

Patunay rin itong proactive ang mga hakbang para mapanatili ang law and order at matiyak na mangingibabaw ang hustisya kaysa sa mga kriminal na aktibidad.

Facebook Comments