Pilipinas at China, hiwalay na iimbestigahan ang Recto Bank Incident

Hiwalay nang magsasagawa ng imbestigasyon ang Pilipinas at China kaugnay ng Recto Bank Incident.

Ito ay makaraang tumanggi ang China na magkaroon ng third party sa imbestigasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang mensaheng ipinaabot kay Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana Foreign Minister ng China.


Katwiran umano ng China, hindi na kailangan ang third party kung magkakasundo naman ang Pilipinas at China sa resulta ng imbestigasyon.

Pero ayon kay Panelo, kung hindi magtugma ang resulta, ipipilit ng pamahalaan na magkaroon ng third party investigator.

Hindi rin daw papalagpasin ng pamahalaan ang pag-abandona ng Chinese Vessel sa 22 mangingisdang pinoy sa Recto Bank.

Giit ni Panelo, hindi uubra ang “sorry” lang ng mga mangingisdang Tsino.

Facebook Comments