Manila Philippines – Nagpulong ang mga opisyal ng Pilipinas at China kagabi upang talakayin ang sigalot sa West Philippine Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing pulong kapwa nanindigan ang parehong bansa na reresulbahin sa mapayapang paraan ang agawan sa teritoryo na hindi magreresulta sa giyera at alinsunod narin sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Sinabi pa ng DFA na kapwa nanindigan din ang 2 bansa na paiiralin ang freedom of navigation in and over-flight above West Philippine Sea.
Nagkaroon din anila ng “productive exchange of views” ang Pilipinas at China sa larangan ng maritime cooperation sa rehiyon kabilang ang maritime search and rescue, maritime safety, marine environmental protection/marine scientific research and fisheries.
Samantala, kinumpirma din ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na naghain na ng diplomatic notes ang Pilipinas kontra China dahil sa patuloy na pag-ookupa ng Chinese vessels sa Pag-asa Island.
Pero wala pa aniyang tugon higgil dito ang Chinese government.