Pilipinas at China, lumagda sa isang Memorandum of Understanding

Manila, Philippines – Lumagda ang Pilipinas at China sa Memorandum of Understanding na may layuning mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Partikular na lumagda sa MOU sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Inimbitahan din ni Cayetano si Minister Wang sa ASEAN meeting sa bansa sa susunod na buwan.


Kinumpirma rin ni Cayetano na bibisita sa Pilipinas sa Nobyembre si Chinese Premier Li Keqiang.

Tiniyak naman ng Chinese Foreign Minister ang suporta ng China sa mga proyekto ng Duterte administration gayundin ang paglaban sa iligal na droga, kahirapan, insurgency at terorismo.

Ayon kay Minister Wang, suportado rin ng Tsina ang pagkakaroon ng Stability sa South China Sea.

Naniniwala rin aniya siya na nagdudulot ng komplikasyon ang unilateral development sa South China Sea.

Samantala, ang pagbisita ngayon sa Pilipinas ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ay kasunod ng imbitasyon ni Cayetano nang magtungo ito sa China noong June 28 hanggang July 1.

Facebook Comments