Pilipinas at China, magtutulungan sa pagpapalakas ng higher education

Magtutulungan ang Pilipinas at Tsina para parehong kilalanin ang mga kurso at pag-practice ng propesyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Pumirma ng memorandum of understanding sina Commission on Higher Education Chaiperson Prospero De Vera III at China Foreign Minister Wang Yi  kasabay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Nangako ang dalawang bansa na magtutulungan para sa internationalization ng mga unibersidad sa Pilipinas at Tsina.


Sa ilalim nito, palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pag-aaral ng lengguwahe at pagtatayo ng dagdag na

Confucius Institutes sa Pilipinas.

Pasisiglahin din ng Pilipinas ang partisipasyon sa pagdaraos ng mga educational congress, conference, workshops, symposiums, training courses, at exhibits.

Maaaring madagdagan din ang mga pamantasan na puwedeng magbigay ng scholarships, training programs, at sa gagawing educational visit ng mga guro at estudyante.

Facebook Comments