Pilipinas at Czech Republic, lumagda na sa Joint Communiqué para sa proteksyon ng mga OFW

Nilagdaan na ng Pilipinas at Czech Republic ang Joint Communiqué para sa pagtatatag ng labor consultation mechanisms ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinaksihan nila ni President Petr Pavel ang paglagda sa joint communique ng Department of Migrant Workers (DMW) at Czech Ministry of Labor and Social Affairs.

Layunin aniya ng kasunduan na maiangat ang kooperasyon para sa ligtas at maayos na migration ng Pilipinong manggagawa at maprotektahan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Czech Republic.


Sa ilalim din nito, inaasahan ang maayos na deployment, babalangkas ng mga karapatan at responsibilidad, at titiyakin na ang recruitment ay ipinatupad sa maayos na paraan.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, itinaas ng Czech Republic sa 10,300 ang quota para sa mga manggagawang Pilipino, simula sa buwan ng Mayo.

Dahil dito, dapat aniyang tutukan ang proteksyon sa karapatan ng OFWs sa Czech Republic.

Facebook Comments