Pilipinas at Estados Unidos, pinagtibay ang pangakong kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific Region

Tiniyak ng Pilipinas at Estados Unidos ang matibay na alyansa at patuloy na pagtutulungan sa gitna ng lumalalang tensyon sa Indo-Pacific.

Sa isang pulong sa sidelines ng Shangri-La Dialogue nitong Biyernes, Mayo 30, nagkasundo sina Defense Secretary Gilberto Teodoro at U.S. Defense Secretary Pete Hegseth na palalalimin pa ang koneksyong pangdepensa ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Teodoro ang suporta sa matagumpay na pagtatapos ng U.S.-ASEAN Defense Ministers’ Meeting, kung saan ramdam ang suporta ng administrasyong Trump sa ugnayan ng ASEAN at Indo-Pacific.

Samantala, binigyang-diin ni Hegseth ang importansya ng matatag na relasyon ng dalawang militar, lalo na sa matagumpay na Balikatan exercises nitong Abril kung saan mahigit 14,000 sundalo ang lumahok.

Kapwa binigyang-diin ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na kooperasyong pangdepensa lalo na sa harap ng nagbabagong kalagayan sa seguridad ng rehiyon.

Facebook Comments