Muling kinondena ng Pilipinas at ng European Union ang nagpapatuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine, kung saan nagkasundo ang dalawa na kinakailangang makahanap ng mapayapang paraan sa mga kaguluhan habang nirerespeto ang international law at ang United Nations Charter.
Una nang nanawagan ang Pilipinas at EU sa Russia na agad alisin ang kanilang mga pwersa at kagamitan sa mga teritoryo ng Ukraine.
Dagdag pa ng Pilipinas at ng regional bloc na kailangang igalang ang International Humanitarian Law kung saan dapat payagan ang ligtas at walang hadlang sa humanitarian access.
Sa huli nagkasundo rin ang dalawa na patuloy na magtulungan at manindigan para sa rules-based international order, soberanya, territorial integrity, at non-aggression.
Facebook Comments