Friday, January 16, 2026

Pilipinas at Finland, pinaplantsa ang pag-deploy ng mga bagong Pinoy workers sa nasabing bansa

Pinaplantsa na ng Pilipinas at ng Finland ang pagkuha ng karagdagang Filipino workers na ide-deploy sa nasabing bansa.

Partikular ang pagkuha ng Finland ng mga bagong Filipino professionals at skilled workers.

Kaugnay nito, nakipagpulong na ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW), sa mga opisyal ng Finland para sa ligtas at patas na labour mobility ng mga manggagawang Pilipino.

Sa ngayon kasi nangangailangan ang labor market ng Finland ng mga manggagawa.

Sa kabilang dako, sinusuportahan din ng Finland ang global workforce ng Pilipinas.

Tiniyak din ng dalawang bansa ang patuloy na dayalogo para sa mga susunod na hakbang sa pagpapalawak ng partnership ng Pilipinas at Finland.

Facebook Comments