Pilipinas at India nagkasundong mas palalakasin ang kooperasyon sa larangan ng financial technology o FinTech

Pumirma sina Finance Secretary Benjamin. Diokno at Ambassador of India to the Philippines Shambhu Santha Kumaran ng isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Department of Finance (DOF) office sa Maynila Manila kamakalawa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ginawa ang paglagda sa kasunduan para mapaangat pa ang kooperasyon ng Pilipinas at India.

Aasahan sa MOU na binuo ng Joint Working Group na papangasiwaan ang inter-governmental discussion at paangatin ang mga polisiya at regulatory connection sa bansa.


Maging ang pag-promote sa kooperasyon kaugnay sa development ng Financial Technology o FinTech solutions para sa negosyo o financial sectors.

Facebook Comments