Pilipinas at Indonesia, naglatag na ng mga panuntunan kaugnay sa Continental Shelf Boundary

Makasabay na sinelyuhan ng Pilipinas at Indonesia ang mga panuntunan hinggil sa paglalatag ng pundasyon para sa delimitation ng kani-kanilang Continental Shelf Boundary.

Ang Continental Shelf Boundary ay kapwa prayoridad ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng video conference ay nilagdaan ng dalawang bansa ang mga dokumentong nasa ilalim ng The Principles and Guidelines hinggil sa Continental Shelf Boundary.


Matatandaang, noong 2014 nang magkasundo ang Pilipinas at Indonesia na limitahan ang kanilang Exclusive Economic Zones.

Facebook Comments