Pilipinas at Indonesia nagsasagawa ng kauna unahang military training sa bansa

Umarangkada na ang kauna-unahang military training sa pagitan ng mga tropang militar ng mga bansang Pilipinas at Indonesia.

 

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Commander Lt/Gen. Felimon Santos, layunin ng pagsasanay na  paigtingin ang kahandaan ng bawat puwersa sa pagtugon sa mga Maritime Security Concerns.

 

Sa pagsasanay gagamitin ng Naval Forces Eastern Mindanao ang BRP Apolinario Mabini at BRP Liberato Picar habang tatapatan naman ito ng KRI Layang at KRI Pandarong ng Indonesia na siya namang magiging highlight ng pagsasanay.


 

Limang araw tatagal ang maritime exercises sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia na nagsimula ngayong araw at magtatagal hanggang Nobyembre a-30.

Facebook Comments