Pilipinas at Japan, bubuo ng sariling Visiting Forces Agreement

akatakdang bumuo ng sariling bersyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) ang Pilipinas at Japan.

Sinabi ito ni International Security Analyst Professor Rommel Banlaoi, sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa gaganaping two plus two security talks ng dalawang bansa ngayong buwan.

Ayon kay Banlaoi, ang pagbuo ng State of Forces Agreement (SOFA) sa pagitan ng Japan ay makakatulong sa pag-angat ng security partnership ng dalawang bansa.


Dagdag pa nito, papalakasin din nito ang defense capabilities ng Pilipinas kung saan naunang pumirma ang bansa sa agreement of defense technology exchange sa Japan.

Sa ngayon, mayroon Visiting Forces Agreement ang Pilipinas sa Amerika at Australia.

Facebook Comments