Pilipinas at Japan, lumagda ng Exchange of Notes para sa paghahanda sa kalamidad

Nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang Exchange of Notes para sa pagkakaroon ng loan facility at grant project sa ilalim ng Official Development Assistance ng Japan.

Nakapaloob sa nasabing grant project ang Phase 3 ng Post Disaster Stand-by Loan (PDSL 3) at ang Satellite Data Communication System ng Philippine Coast Guard.

Sa ilalim ng PDSL 3, pauutangin ng Japan ang Pilipinas ng JP¥30 bilyon na gagamitin sa mabilis na pagbangon ng bansa mula sa mga natural at health-related disasters


Babayaran ito ng Pilipinas sa loob ng 30 taon matapos ang grace period ng sampung taon na may fixed interest rate na 0.01% per annum.

Habang aabot naman sa JP¥1.1 bilyon naman ang grant aid ng Japan para sa Satellite Data Communication System ng PCG.

Facebook Comments