Pilipinas at Japan lumagda ng isang kasunduan para sa Pasig-Marikina river project

Manila, Philippines – Masisimulan na ang Phase IV ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project ito ay matapos na lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas at ang Japan International Cooperation Agency o JICA para pondohan ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase IV.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nakapaloob sa kasunduan ang pautang na P18.223 billion o katumbas ng 37.905 Billion Japanese Yen upang mapaganda at ma-rehabilitate ang Pasig-Marikina River.

Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan ay sina Finance Secretary Carlos G. Dominguez at JICA Southeast Asia and Pacific Department Director General Shigenori Ogawa na sinaksihan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar at Japan Embassy to Manila Minister and Consul General Atsushi Kuwabara.


Umaasa ang kalihim na mahihikayat ang maraming mga dayuhan na maglagak ng negosyo sa bansa at mapapalakas pa ang turismo sa bansa.

Facebook Comments