Lumagda sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya para sa Official Security Assistance.
Ang naturang assistance ay nagkakahalaga ng JPY1.6 billion o ₱611 million, para sa coastal radar systems, automatic rigid hull inflatable boats (RHIB) at iba pang kagamitan para sa tropa ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, bahagi ito ng partnership ng Pilipinas at Japan para sa pagpapalakas sa seguridad sa Indo-Pacific Region.
Partikular ang pagpapalakas sa kapabilidad ng Pilipinas sa ano mang banta sa kapayapaan.
Ito na ang ikalawang assistance ng Japan para sa pagpapalakas sa puwersa ng Pilipinas.
Facebook Comments