Kasalukuyang nasa joint exploration ang Pilipinas at Laos ukol sa mga bagong paraan ng pakikipagtulungan at ugnayan.
Ito ay habang ang mga nangungunang diplomat ng dalawang bansa ay nagpahayag ng pagtitiwala sa kanilang ugnayan.
Kamakailan ay nagpulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Lao counterpart, Saleumxay Kommasith, upang suriin ang mga umiiral at bagong larangan ng partnership habang ang opisyal ng Pilipinas ay lumipad patungong Vientiane para sa isang forum na pinagsama-samang inorganisa ng Institute of Foreign Affairs at ng Foreign Service Institute.
Bukod sa pagtalakay sa mga umiiral na larangan ng kooperasyon, tulad ng security and defense, health, gender and women development, at ang trade and investments, ang dalawang opisyal ay nagpahayag ng kumpiyansa na ang malapit na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay higit na mapapalakas sa pamamagitan ng mga bagong larangan ng pagtutulungan.
Kabilang dito ang usapin sa renewable energy, technology and communication, turismo, edukasyon at palakasan, at pamamahala sa kalamidad.
Ang mas kapansin-pansin sa kanilang talakayan ay ang posibilidad ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Laos upang palakasin ang kalakalan, pamumuhunan at alyansa sa turismo ng dalawang bansa.
Nagpahayag din ang Pilipinas ng suporta sa pagiging chairman ng Laos sa ASEAN 2024.
Una na rito, maraming usapin ang napag-usapan ng dalawang opisyal habang ipinagdiriwang ng Pilipinas at Laos ang kanilang ika-68 taon ng diplomatikong relasyon.