Pilipinas at Lithuania, nagkasundong palakasin pa ang bilateral partnership

Mas malayo pa ang mararating ng bilateral relations ng Pilipinas at Lithuania.

Ito ang hangad nang dalawang bansa matapos na magprisinta ng credentials si Lithuanian ambassador Ricardas Slepavicius kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang kahapon.

Sinabi ni Slepavicius na like-minded nations ang Pilipinas at Lithuania.


Patunay aniya rito ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa panahon ng pandemya at sa pagtulong sa mga mamamayan ng Ukraine.

Matatandaang tumanggap ang Pilipinas ng higit 390 libong bivalent COVID-19 vaccines mula sa Lithuanian government.

Dagdag ng ambassador, bilang mga miyembro ng European Union (EU) at ASEAN, parehong nauunawaan ng Pilipinas at Lithuania ang global challenges na naging daan sa pagiging magkatuwang nito sa pag-unlad.

Sumang-ayon naman si Pangulong Marcos dito na nangako ring patuloy na isusulong ang pagpapalakas sa bilateral partnership ng dalawang bansa.

Pormal na naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at Lithuania noong December 15, 1991.

Facebook Comments