Pilipinas at Malaysia, nagkasundong magkakaroon ng joint commission meeting para sa mahahalagang usapin

Magko-convene ang Pilipinas at Malaysia para sa susunod na joint commission meeting.

Ito ang napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim matapos ang kanilang bilateral meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Layunin aniya ng gagawing pagpupulong ay para matalakay ang mga priority cooperation sa iba’t ibang areas of mutual interest katulad ng transnational crimes, agriculture, Halal industry, Islamic banking, edukasyon, turismo, kultura, sports, at digital economy.


Nagalok rin ang Malaysia na sasanayin ang mga Pilipino para mapalakas ang anumang kapabilidad para sa mga mahahalagang sektor.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na mas pasisiglahin ang kalakalan lalo’t ang Malaysia ang isa sa nangungunang halal economies sa mundo.

Facebook Comments