Pilipinas at Malaysia, nagkasundong magtulungan para sa pagpapalago ng agrikuktura ng dalawang bansa

Nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia para sa partnership sa pagpapalago ng agrikultura ng dalawang bansa.

Layon nito na makamit ang food security ng Pilipinas at Malaysia.

Mismong si Philippine Ambassador to Malaysia Maria Angela Ponce ang nakipagpulong kay YB Datuk Seri Haji Mohamad bin Sabu, Minister of Agriculture and Food Security ng Malaysia.


Una nang inaprubahan ng Malaysia Department of Agriculture ang pag-import ng durian sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, ang Pilipinas naman ay isa sa top buyers ng palm oil ng Malaysia.

Facebook Comments