
Palalakasin pa ng Pilipinas at Namibia ang bilateral ties ng mga ito partikular na sa larangan ng trade and industry, agriculture, technical cooperation, at kapakanan ng kanilang mamamayan.
Sa ginawang presentation of credentials ng bagong Namibia Non-Resident Ambassador to the Philippines Herman Pule Diamonds kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang, nagkasundo ang dalawa na magtulungan sa nabanggit na mga larangan lalo na sa aspeto ng agrikultura.
Sinabi ng pangulo sa bagong ambassador na maaaring makatulong ang Pilipinas para ma-develop ang agricultural sector ng Namibia lalo’t nasa bansa ang International Rice Research Institute.
Ayon pa sa pangulo na may sarili ring rice institute at educational institution ang Pilipinas na nagsasagawa ng pananaliksik kaugnay sa agriculture development sa bansa.
Ipinagmalaki ng Pangulo na maraming agriculturists at agronomists sa Southeast Asia ay sa Pilipinas nagsanay at maaari itong maibida ng Pilipinas.