Pilipinas at New Zealand, nagkasundong magtutulungan sa pag-access ng merkado para sa mga high value crops

Nagkasundo ang Pilipinas at New Zealand na mas palalakasin ang kanilang agricultural trade and cooperation.

Kasunod ito ng naging pagpupulong nina Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA) at New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell.

Naging sentro ng pag-uusap nina Panganiban at Ambassdor Kell ang pagpapaibayo sa market access para sa mga high value products


Kabilang din sa napag-usapan ang pagpapalitan ng research at development, ang pagkakaloob ng livelihood assistance sa mga lokal na magsasaka at iba pang inisyatibang gawing export quality ang produksyon ng mga lokal na magsasaka.

Inimbitahan naman ni Panganiban ang New Zealand Ambassador na bisitahin ang Guimaras Island, na kilalang Mango Capital ng Pilipinas.

Facebook Comments