Pilipinas at New Zealand, nagkasundong palawakin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Prime Minister Christopher Luxon na mas palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas at New Zealand at isulong ang parehong interes sa seguridad at ekonomiya.

Sa joint statement ng dalawang bansa, palalawakin pa ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng defense, security at maritime cooperation, trade and economic ties, people-to-people connections, renewable energy, climate change at regional and global developments.

Inatasan ng dalawang lider ang kanilang foreign ministers at iba pang opisyal na maglatag ng roadmap na magsisilbing gabay sa pagtatatag ng Comprehensive Partnership.


Kasama dito ang pag-angat ng Foreign Ministry Consultations sa Vice-Ministerial level at ang paglikha ng mga bagong mekanismo gaya ng Joint Economic Commission at Maritime Dialogue.

Binigyang diin rin ng mga ito ang kahalagahan ng karagdagang visa facilitation sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand.

Facebook Comments