Pilipinas at Oman, nagkasundong bawiin ang travel ban

Binawi na ng Pilipinas ang suspensyon ng deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman.

Ito ay matapos magkasundo ang dalawang bansa na sabay na alisin ang deployment at travel ban.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, pumayag ang Oman na bawiin ang kanilang travel ban sa Pilipinas.


Nagkaroon aniya ng Zoom meeting sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Oman Ambassador to the Philippines Munther Mahfoodh Salem Al-Mantheri.

Sinabi ni Olalia na hindi intensyon ng Omani government na hindi papasukin ang mga OFWs at iba pang biyaherong Pilipino sa kanilang bansa.

Una nang sinabi ni Bello na kapag inalis ang travel ban, ay susuklian nila ito ng pagbawi sa temporary suspension ng OFW deployment sa Oman.

Facebook Comments