
Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na nagkasundo ang Pilipinas at Palestine na pabilisin ang Visa Waiver Agreement para sa holders ng diplomatic, official at special passports.
Kasunod ito ng pagpupulong nina Sec. Lazaro at Palestinian Minister of Foreign Affairs and Expatriates Varsen Aghabekian Shahin.
Layon nito na mapadali ang interaksyon at kooperasyon ng mga opisyal at policymakers ng dalawang bansa.
Ipinaabot din ni Sec. Lazaro kay Minister Shahin ang nakatakdang chairship ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.
Tinalakay rin ng DFA Secretary ang mga hamon na kinakaharap ng Pilipinas at ang paninindigan ng bansa sa pagtalima sa international law, partikular sa UNCLOS.
Layon nito na makamit ang mapayapang pagresolba sa umiiral na maritime disputes.









