Pilipinas at Qatar, mananatili ang diplomatikong ugnayan

Manila, Philippines – Mananatili ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Qatar.

Ito’y sa kabila ng pagkalas ng ibang Arab nations sa kanilang sa diplomatic relation sa Qatar.

Ayon sa Dept. of Labor and Employment – walang dapat ipag-alala ang publiko sa magandang relasyon ng dalawang bansa.


Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – posibleng makaapekto sa mga OFW sa Qatar ang desisyon ng ilang Arab countries.

Una nang pinutol ng UAE, Saudi Arabia, Bahrain at iba pang bansa sa Middle East ang kanilang relasyon sa Qatar kasunod ng alegasyong sinusuportahan nito ang teroristang grupong ISIS.
DZXL558

Facebook Comments