Pilipinas at Qatar, nagtutulungan na para sa mga hakbangin para mabawasan ang epekto ng climate change

Bumubuo na ang Pilipinas at Qatar ng mga hakbangin para maibsan ang mas matinding epekto ng climate change.

Kasunod ito ng pagpupulong nina Foreign Affairs Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa P. Lazaro at Qatari Ministry of Foreign Affairs Dr. Ahmed Hassen Al Hammadi.

Tinalakay rin ng dalawang opisyal ang hinggil sa pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at ng Qatar.


Gayundin, ang hinggil sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng kultura, turismo, education, sports, trade, investment, at ekonomiya.

Facebook Comments