Magpapadala ang Pilipinas ng karagdagang overseas Filipino workers (OFWs) sa Romania.
Nabatid na nilagdaan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Romanian Embassy Chargè d’Affaires Mihail B. Sion ang Memorandum of Understanding (MOA) para sa deployment ng mga OFWs.
Sa pamamagitan nito, sinabi ni Bello na mas lalakas ang relasyon ng dalawang bansa.
Naniniwala naman ang Romanian ambassador na makatutulong ang kasunduan para mabigyan ng trabaho ang mga OFW na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Nangangailangan ang Romania ng hospital caregiver at skilled workers dahil mayroon silang competitive labor market.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang 1,500 OFWs sa Romania na nagtatrabaho sa mga sektor ng kalusugan at transportasyon.
Facebook Comments