Nagkasundo ang Pilipinas at Russia para sa mas malakas na bilateral cooperation sa COVID-19 vaccines at ilan pang mahahalagang bagay.
Kabilang dito ang trade, technology, at ang proteksyon sa Filipinos overseas sa Russia.
Ito ay nabuo sa ginanap na Virtual 12th Political Consultations, sa pagitan nina Acting Foreign Affairs Undersecretary for Bilateral and Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Affairs Elizabeth Buensuceso at Russian Deputy Foreign Minister Igor Morgulov.
Nanindigan din si Deputy Foreign Minister Morgulov na tuloy bukas, April 28 ang dating sa Pilipinas ng paunang shipment na 15,000 doses ng Sputnik V COVID vaccines.
Una nang nagkausap sa telepono sina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin hinggil sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa paglaban COVID-19.