Pilipinas at Russia, nakatakdang lumagda ng isang kasunduan para pagtibayin ang kooperasyon at palakasin ang paglaban sa terorismo

Manila, Philippines – Nakatakdang pirmahan ng Pilipinas at Russia ang isang kasunduan para pagtibayin ang kooperasyon at palakasin pa ang paglaban sa terorismo.

Ito ang kinumpirma ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa opisyal, layunin nitong pagtibayin at buksan ang mga oportunidad sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa ng teritoryo at seguridad.


Una nang nag-usap sina Russian Defense Minister Sergey Shoygu at Secretary Lorenzana sa katatapos lamang na Moscow Conference on International Security.

Aniya ang pormal na pirmahan ng kasunduan ay pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa Russia sa susunod na buwan.

Dito na rin matatalakay ang posibleng pagbili ng mga kagamitang militar ng Pilipinas sa Russia.

Dagdag pa ng opisyal, si Pangulong Duterte mismo anya ang nag-utos na tingnan ang Russian military equipment para sa pagpapatuloy ng AFP Modernization Program.

DZXL558

Facebook Comments