
Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang paglagda ng Pilipinas at Slovenia sa Joint Declaration of Intent (JDI).
Nakapaloob dito ang pagpapalakas ng bilateral cooperation ng dalawang bansa sa labor mobility, employment facilitation, at ang proteksyon sa Filipino migrant workers.
Ayon sa DMW, mahalagang matiyak na maayos ang pagtrato sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa tuloy-tuloy na pag-deploy ng Pinoy workers sa Slovenia.
Partikular na ide-deploy sa mga hotel habang ang ilan naman ay Filipino professionals.
Facebook Comments









