Pilipinas at South Korea, lumagda ng Free Trade Agreement

Pumirma ang Pilipinas at South Korea ng Free Trade Agreement na makakatulong sa mas magandang partnership ng dalawang bansa

Sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos at South Korean President Yoon Suk Yeol na sidelines sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia, sinabi ni Pangulong Marcos kay South Korean President na ang kasunduang ito malaking tulong sa Pilipinas at South Korea.

Umaasa ang Pangulo na mas mapalawig pa ang trade agreement na ito hindi lang sa government-to-government partnership kundi maging private firm at private sector partners.


Sa panig naman ni South Korean President Yoon Suk Yeol, sinabi nitong bukas syang mas mapalawig pa ang strategic partnership ng Pilipinas at South Korea.

Samantala ayon naman kay Trade Secretary Alfredo Pascual na ang free trade agreement na pinirmahan ay malaking tulong para mas mas mapalakas ang kalakalan at invesment relations sa South Korea na lilikha nang mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Ang kasunduang din aniyang ito ay may malaking kontribusyonn sa Pilipinas para magkaroon ng magandang merkado para sa sustainable invesments partikular para maging manufacturing at export hub sa rehiyon.

Tutulong din ang kasunduang ito sa pag export ng mga pangunahing produkto katulad ng prutas.

Facebook Comments