Pilipinas at South Korea, lumagda sa Air Services Agreement —DOTr

Madaragdagan na ng 10,000 ang lingguhang kapasidad ng upuan sa eroplano mula Maynila patungo ng iba’t ibang destinasyon sa South Korea.

Ito ay matapos ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea na may layong mapalakas ang turismo ng dalawang bansa.

Sa ilalim ng bagong Air Services Agreement, umakyat na sa 30,000 ang lingguhang kapasidad ng upuan sa mga flights mula Maynila patungong South Korea.


Sa ilalim din ng kasunduang ito, mas maluwag na ang third at fourth freedom traffic kung saan wala nang limitasyon sa mga biyahe ng eroplano mula Maynila patungo sa lahat ng destinasyon sa South Korea.

Facebook Comments