Pilipinas at South Korea, nagkasundong magtulungan sa hamon ng maritime concern

Nagkasundo ang Pilipinas at Republic of Korea na palakasin ang maritime cooperation at tugunan ang mga hamon sa maritime concern.

Ito ang napagkasunduan ng dalawang bansa sa ginanap na dayalogo sa Busan, South Korea.

Sa nasabing diyalogo, binigyang-diin ng Pilipinas at South Korea ang kahalagahan ng UNCLOS bilang legal na binalangkas para sa lahat ng aktibidad sa dagat.


Kabilang dito ang pagtataguyod ng kalayaan sa paglalayag gayundin ang mapayapang paggamit ng dagat at paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan.

Ang Pilipinas at South Korea ay nangangako na ipagpatuloy ang bagong mekanismong ito lalo na sa konteksto ng ika-75 anibersaryo ng relasyon ng PH-ROK.

Napag-usapan din sa pagpupulong ang pagtutulungan sa larangan ng kamalayan sa maritime domain, marine environment protection at ocean economy.

Napagkasunduan din ng dalawang bansa na ang Pilipinas na ang mag-host ng ikalawang dialogue sa Maynila sa susunod na taon.

Facebook Comments