Wednesday, February 18, 2026

Pilipinas at South Korea, palalamin ang ugnayan at pamumuhunan

Nagkasundo ang Pilipinas at Republic of South Korea na lalo pang palalimin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ito ay matapos ang pulong nina Executive Secretary Ralph Recto at Korean Ambassador Lee Sang-Hwa.

Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ang mga hakbang para mapadali ang pagnenegosyo sa bansa at makahikayat ng mas maraming pamumuhunang Koreano.

Ayon kay Recto, aktibong tinutugunan ng pamahalaan ang mga alalahanin ng mga investor upang maging mas competitive at mas ligtas ang Pilipinas bilang investment destination.

Ipinahayag naman ni Ambassador Lee ang suporta ng South Korea sa pagho-host ng Pilipinas ng mga pulong ng ASEAN ngayong taon.

Muling pinagtibay ng dalawang bansa ang kanilang pangako na paigtingin ang bilateral relations habang naghahanda sa ika-77 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at South Korea sa Marso.

Facebook Comments