Pilipinas at South Korea, palalawakin pa ang trade at investment partnership

Nagkausap sa telopono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at President Lee Jae Myung ng South Korea, kung saan pinagtibay nila ang strategic partnership ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, natalakay nila ang pagpapalwak pa ng balikatan ng dalawang bansa, partikular sa trade at investment, imprastruktura, at people to people exchanges.

Binati rin ni Pangulong Marcos si Lee na nag-assume sa pwesto nuong June 4 at siniguro ang kaniyang suporta sa South Korean leader.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Pangulong Marcos na makita si Lee sa gaganaping 2025 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, kung saan ang South Korea ang mag host ngayong taon.

Sa panig naman ni Lee, siniguro nito ang kaniyang suporta para sa isang malakas na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)–South Korea engagements.

Sa ngayon puspusan na ang paghahanda ng Pilipinas sa pag-assume nito sa ASEAN chairmanship sa 2026.

Facebook Comments