Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkasundo ang Pilipinas at ang Thailand na palakasin ang paguugnayan para matiyak ang seguridad at istabilidad sa rehiyon.
Sa press statement ni Pangulong Duterte matapos ang bilateral meeting nito kasama si Thai Prime Minister Prayuth Chan-o-Ccha at mga opisyal ng Thailand ay sinabi ni Pangulong Duterte na nagkasundo ang dalawang bansa na bigyang solusyon ang mga umuusbong na problema sa rehiyon.
Kabilang aniya sa mga napagkasunduan ay ang pagpapalakas ng ugnayan sa paglaban sa transnational crime tulad ng terorismo at violent extrimism, kabilang din aniya ang mga pirata sa karagatan, human trafficking at iligal na droga.
Kailangan din aniyang pagibayuhin ang paguugnayan sa defense cooperation upang makamit ang kanilang mga hinahangad.
Sinabi din ng Pangulo na inaasahang magkakaroon ng joint committe on military cooperation ang Pilipinas at Thailand ngayong taon.
Nabigyang diin din aniya nsa bilateral meeting ang pagpapanatili ng economic advancements at two-way trade investments.
Facebook Comments